Hindi na kailangan pang dumaan sa impeachment process si Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil kinukunsidera nang nagbitiw sa tungkulin si Bautista matapos kumpirmahin nitong na natanggap na niya ang resignation letter ng COMELEC Chief epektibo December 31, 2017.
Inamin naman ng Pangulo na nagulat siya sa pagbibitiw ni Bautista.
Una nang sinabi ng Pangulo na mas mabuting umalis na rin ng maaga si Bautista sa COMELEC.
Si Bautista ay inaakusahang nagkamal ng nakaw na yaman at tumanggap ng referral fees mula sa election technology contractor na Smartmatic.
Magugunitang inanunsyo ni Bautista ang kaniyang resignation epektibo sa December 31, 2017.
—-