Tiniyak ni dating Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad na walang magiging epekto sa foreign investment ng bansa ang pakikipag-away ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations at European Union.
Ayon kay Mohamad, mas mahalaga sa mga negosyante ang katatagan ng ekonomiya at wala silang pakialam sa isyung pulitikal.
Sa panig naman ng business forum founder na si Peter Wallace, sinabi nito na sanay na ang mga negosyante sa istilo ng pamamahala at pananalita ng Pangulong Duterte.
Magugunitang binuweltahan kamakailan ng Pangulong Duterte ang UN at European Union dahil sa umano’y pakikialam nila sa ilang internal issues ng bansa.
—-