Inihahanda na ng House Committee on Justice ang articles of impeachment laban kay COMELEC Chairman Andy Bautista makaraang i-override ng mga mambabatas ang naunang ulat na nagbabasura rito.
Sa panayam ng DWIZ kay Justice Committee Chair at Mindoro Rep. Reynaldo Umali, ito ang kanilang unang gagawin sa pagbabalik sesyon nila sa susunod na buwan matapos ang paggunita sa undas
Ipinaliwanag sa DWIZ ni Umali na kaya nabasura ang unang complaint laban kay Bautista ay dahil sa mga mali-maling impormasyon na nakalagay sa reklamo kaya’t itinuring nila itong insufficient in form.
Magugunitang sina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Rep. Jacinto Jing Paras ang naghain ng impeachment laban kay Bautista bunsod ng nangyaring dayaan noong eleksyon
Defective dahil mali mali yung verification. Sa verification po kasi ang dapat it must be based on personal knowledge or must be come from authentic documents. Yung personal knowledge, malinaw wala po sila nun dahil sila po ay mga private complainants na wala naman sila doon sa mga pangyayari unlike yung asawang nag file nun ay kakaiba yun. Yung pangalawa naman, yung hinahanap naming authentic documents ay hindi rin po kasama doon sa complaint kaya on that basis dinismiss po namin.”
Kasunod nito, sinabi ni Umali na dahil ang kamara na ang siyang nag-endorso ng impeachment laban kay Bautista, sila nang mga mambabatas bilang taga-usig ang siyang gagawa ng mga hakbang para tumindig ang kaso.
Kakalapin na po namin yun at kukunan na namin ng affidavits yung mga witnesses who has personal knowledge, kukuha na po kami ng mga authentic documents para tumibay po yung kaso. Kami na po bilang prosecutor will have to take the cardians for the complainants. Hindi naman po namin ifa-file lang yung complaint bagkus kami na mismo ang gagawa ng articles of impeachment in which case we will take now the role of prosecutor na ibi-build up namin yung case para maging matibay pagdating po sa pagdinig sa senado.”
(SAPOL INTERVIEW)