Binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatatag ng revolutionary government upang mapigilan ang mga nagtatangkang magpabagsak sa kanyang administrasyon.
Ayon kay Hontiveros, ang banta ng pangulo ay indikasyon na pikon ito at hindi marunong tumanggap ng batikos o puna gayong may umiiral na demokrasya.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Sen. Hontiveros
Samantala, muling ipinanawagan ng senadora ang paglagda sa waiver ni Pangulong Duterte kasabay ng ilalargang aktibidad ng grupong Tindig Pilipinas, ngayong araw.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Sen. Hontiveros
Signature campaign na nananawagan kay Pangulong Duterte na pumirma na sa bank secrecy waiver inilunsad
Inilunsad na ng cause-oriented group na Tindig Pilipinas ang signature campaign na nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumirma na sa bank secrecy waiver upang matuldukan na ang issue sa kanya umanong tagong-yaman.
Hapon nang simulan ng grupo ang rally sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City na dinaluhan ng mga miyembro ng mga taga-oposisyon gaya ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Trillanes, dapat ng pumirma ang pangulo sa waiver sa halip na pumirma kung talagang wala itong itinatago.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Sen. Trillanes