Sinuspinde ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang number coding scheme sa kalakhang Maynila ngayong araw, Lunes October 16, 2017.
Ang naturang pahayag ay ginawa ng pamunuan ng MMDA Linggo ng gabi.
Ayon sa MMDA, ito ay para matulungan iiwas ang mga motorista sa isasagawang transport strike ng ilang transport group sa Metro Manila bukas.
Tiniyak naman ng MMDA na magkakaroon ng libreng sakay para sa mga maiipit na mananakay dahil sa naturang transport strike.
Wala namang anunsyo pa ang MMDA kung hanggang bukas ang suspensyon ng number coding scheme kasabay ng dalawang araw na tigil-pasada
—-