Tila napikon lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa araw-araw na birada sa kaniya ng kaniyang mga kritiko kaugnay sa war on drugs.
Ito ang nakikitang dahilan ni Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III kaya’t nagpasya ang Pangulo na ibalik ang PDEA bilang lead agency ng nasabing kampaniya.
Iginiit ni Sotto na bilang pangunahing may-akda ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, hindi maaaring mawala ang iba pang law enforcement agencies sa mga operasyon kontra droga
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Tito Sotto III sa DWIZ
Binigyang diin ng Senador na kaya nagpasya si Pangulong Duterte na pakilusin ang pulisya sa kampaniya kontra droga ay dahil sa matagal itong napabayaan ng mga nakalipas na administrasyon