Nasagip ng Philippine Coast Guard o PCG ang mahigit 30 mangingisda matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatang bahagi ng Basilan kahapon ng madaling araw.
Ayon sa ulat, nagawa pang makatawag ng isa sa mga tripulante sa kaniyang asawa na siyang humingi ng tulong sa PCG.
Agad naman nagpadala ng barko ang PCG at matagumpay na nasagip ang mga mangingisda na dinala sa Zamboanga Port.
Samantala, sinuspindi na ng PCG ang biyahe ng mga sasakyang pandagat patungong Sulu, Basilan at Tawi-Tawi dahil sa malalakas na alon sa naturang lugar.
—-