Magpapatuloy ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa kanilang ibinbigay na suporta sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, handa ang kanilang mga sundalo na makibahagi sa anti-illegal drug operations alinsunod sa naging kasunduan ng PDEA at AFP.
Sinabi naman ni AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, pinalawak ng AFP ang kanilang Task Force Noah na syang tumututok sa drug-related counter intelligence operations.
—-