Balik ensayo si NBA Superstar Lebron James.
Ito ay matapos ang tinamo niyang injury sa kaliwang bukong – bukong sa practice ng koponan.
Ayon kay Cavs Coach Tyronn Lue, nakibahagi sa training ng team si James para matesting ang kanyang pilay.
Gayunman, wala pa ring kasiguraduhan kung tuloy na ang paglalaro ni Lebron sa Miyerkules kontra sa Boston Celtics.
Matatandaang tatlong Preseason Games na ang hindi nalalaruan ni Lebron sa Cavs.