Nanindigan ang Malakanyang sa pagsusulong ng modernisasyon sa public utility vehicles o PUV’s sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ilang taon na ang nakalipas nang isulong ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVVMP), lagi lamang naaantala dahil sa mga isinasagawang transport strike.
Ngunit sa kabila aniya ng ginagawang pagtutol ng ilang grupo, marami paring mga transport sector ang sumusuporta sa PUVMP ng administrasyon tulad ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Stop and Go Coalition, at iba pang mga transport group sa mga lalawigan sa bansa.
Dagdag pa ni Abella, magpapatuloy ang pakikipag-diskusyon at konsultasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa iba’t ibang mga grupo ng transportasyon hanggang sa maisakatuparan ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan sa bansa.