(11 AM Update)
Lumakas at isa nang severe tropical storm ang bagyong Paolo habang patuloy itong kumikilos patungong Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 765 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging papalo sa 90 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.
Tinatahak ng bagyong Paolo ang direksyonbg pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.
Inaasahang lalakas pa ang bagyong Paolo at magiging isang typhoon sa loob ng 24 hanggang 36 na oras.
Dahil sa bagyo, asahan ang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay magbuhos ng malakas na pagilan sa bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Samantala, binabantayan din ng PAGASA ngayon ang isang Low Pressure Area o LPA na sa 395 kilometro kanluran ng Coron, Palawan.
—-