Binalewala ng North Korea ang isinusulong na diplomasya ng Amerika.
Binigyang diin ng isang mataas na opisyal ng Pyongyang na hindi nila basta isusuko ang ginagawang long range intercontinental ballistic missiles.
Saka na lamang aniya sila papayag sa diplomasya kapag matagumpay na ang gagawin nilang pagpapakawala ng missile na tatama sa Estados Unidos.
Sinabi ng nasabing opisyal na nais nilang ipamukha sa Amerika ang kakayahan ng NoKor na labanan ito.
Una nang inihayag ni White House Chief of Staff John Kelly na idadaan nila sa diplomasya ang problema sa North Korea para matigil na ang missile test nito.