Balak bumili ng Philippine National Police Maritime Group ng 5 drones para sa kanilang monitoring at surveillance operations na ipakakalat sa Mindanao.
Ayon kay S/Insp. Nelson Ventura, Tagapagsalita ng PNP Maritime Group, i-momonitor ng drones ang mga baybaying dagat kung saan karaniwang nangyayari ang mga iligal na aktibidad ng ilang sindikato.
Isa ang Mindanao sa mga lugar kung saan karaniwang madalas ang insidente ng smuggling, human traffficking at kidnapping.
Sinabi pa ni Ventura, batid nila ang limitadong resources ng gobyerno kaya’t kahit pursidgo ang PNP na maibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan sa gamit ngunit hindi pa rin ito ganap na matugunan.
Mahalaga rin aniya ang drones sa kanilang operasyon dahil hindi na nila kailangang magdeploy ng mga water crafts sa pagpapatrol.
Mas makatotohanan at mas mura nang dihamak ang drones kumpara sa maliliit na eroplano para sa aerial patrol at surveillance.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal