Malinaw ang mensahe ng pinakabagong survey ng Pulse Asia na dapat pa ring ituloy ng administrasyong Duterte ang giyera nito kontra iligal na droga
Ito ang reaksyon ni Sen. Sherwin Gatchalian makaraang lumabas sa nasabing survey na nasa 88 porsyento ng mga Pilipino ang patuloy na sumusuporta sa nasabing kampaniya
Gayunman, sinabi ng Senador na ang malaking hamon sa ngayon ay kung paano mapapanatili ang kumpiyansa ng publiko sa integridad ng mga awtoridad at kung paano maiiwasan na maging madugo ang mga operasyon hinggil dito
Kasunod nito, kumpiyansa naman si Gatchalian na mahusay na mapamumunuan ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang kampaniya kontra iligal na droga ng administrasyon