Dapat pa ring magpatuloy ang pag-iral ng batas militar sa buong Mindanao kahit pa pormal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.
Ito ang inihayag ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa kabila ng pagkakalikida ng militar sa dalawang lider terorista na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Sa ginawang Mindanao Hour sa Malacañang kahapon, sinabi ni AFP Spokesman Maj/gen. Restituto Padilla na kailangan pa rin ang martial law para sa rehabilitasyon ng lungsod.
Binigyang diin pa ni Padilla na ang martial law ay isang desisyong pulitikal na kailangang ibatay sa magiging rekumendasyon ng militar, defense department at ng mga lokal na pamahalaan sa Mindanao.