Kinastigo ni Senador Chiz Escudero ang Department of Transportation sa pagbibigay ng agarang solusyon sa matagal ng hinaing ng mga driver at operator hinggil sa phaseout sa lumang jeep.
Ayon kay Escudero naiwasan sana ang dalawang araw na tigil pasada sa buong bansa kung natugunan agad ito ng DOTR.
Dagdag pa ni Escudero na dapat ay tutukan ito ng DOTR para magabayan ang mga jeepney driver at operators sa transition period ng PUV modernization program kabilang na rin ang pagbibigay ayuda sa mga ito para mapasan ang halaga para sa makabagong pampasaherong jeep.