Nabawi na ng US-Backed military force ang Raqqa, Syria na nagsilbing sentro o capital ng operasyon ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS simula nuong taong 2014.
Ayon kay Talal Salo, tagapagsalita ng US-backed Syrian democratic forces, tuluyan ng nawala sa kamay ng ISIS ang kontrol sa Raqqa at nagsasagawa na ng clearing operations.
Tanging pasulpot-sulpot na labanan at pagtugis na lang aniya sa kakaunting nalalabing miyembro ng teroristang grupo ang kanilang ginagawa.
Asahan na umano sa mga susunod na araw ang opisyal na deklarasyon kaugnay sa paglaya ng Raqqa sa kamay ng ISIS.