Itinuturing ng Moro National Liberation Front o MNLF na malaking accomplishment ng pamahalaan ang pagkakapatay kina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Gayunman, ipinabatid ni General Hadji Bensaleh Sharifa, Vice Chief of Staff ng Bangsamoro Armed Forces ng MNLF, na marami pa din ang duda sa ipinalabas ng gobyenro na larawan nina Hapilon at Maute.
Maaari aniyang dahil sa moderning teknolohiya ay na doktor ng mga expert ang larawan ng dalawang terorista.
Matatandaang noong Lunes ay kinumpirma ng tropa ng gobyerno na napatay sa bakbakan sa Marawi City sina Omar Maute ng Maute-ISIS at Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Nakumpirma umano ng mga sundalo ang kinaroroonang gusali ng dalawang terorista mula sa isang babaeng hostage na nailigtas ng mga sundalo.
Sa kabila ng pagkamatay nina Hapilon at Maute, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi pa rin tumitigil ang opensibang ginagawa ngayon ng militar sa Marawi City.