Hindi imbento ang isinampang kaso ng DOJ laban kay Senador Leila de Lima kaugnay ng Bilibid Drug Trade.
Binigyang diin ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre bilang reaksyon sa pahayag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa kaniyang dissenting opinion na ang inihaing reklamo ng DOJ laban kay De Lima ay hindi pasok sa elemento ng pagbebenta at pangangalakal ng iligal na droga.
Si Carpio ay kabilang naman sa minority na bumoto pabor sa petisyon ni De Lima.
Sinabi ni Aguirre na ang pananaw ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ay siya pa ring mananaig para ipagpatuloy ang pagdinig sa kaso ng Senadora.