Handa ang apat na miyembro ng Aegis Juris fraternity na sumailalim sa DNA test para patunayang hindi sila kasama sa isinagawang hazing kay Horacio Atio Castillo the Third.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kabilang sa mga kumasa sa hamon ni Senador Sherwin Gatchalian sina Jason Adolfo Robinios, Aeron Salientes, Zimon Padro at Jose Miguel Salamat.
Tumanggi namang sumalang sa DNA test sina Mhin wei Chan, Marc Anthony Ventura, Axel Mundo Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabili, Arvin Balag at Ralph Trangia.
Naniniwala si Gatchalian na ang mga tumanggi sa kaniyang hamon ay posibleng kasama sa mga pumalo ng paddle o nanakit kay Castillo.