Pursigido ang Amerika na makipagtulungan sa mga Southeast Asian Nation upang maiwasan ang paghahasik ng kaguluhan ng mga galamay ng islamic state sa rehiyon.
Ito ang tiniyak ni Admiral Harry Harris, commander ng U.S. Pacific Command makaraang papurihan ang Armed Forces of the Philippines sa pagkakapatay sa tinaguriang Emir ng ISIS sa Timog-Silangang Asya na si Isnilon Hapilon at kapwa terrorist leader na si Omarkhayam Maute sa Marawi City.
Ayon kay Harris, dapat paigtingin ng mga bansa sa nasabing rehiyong partikular ang mga kasapi ng ASEAN ang kanilang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng ideyolohiyang radikal.
Aminado ang U.S. official na ang bakbakan sa Marawi ang kauna-unahang beses na nagsanib-puwersa ang mga ISIS-inspired force upang maglunsad ng ganitong kalaking pag-atake sa South-East Asia.
Dapat anyang magsilbing “wakeup call” sa bawat bansa ang sinapit ng marawi lalo’t determinado ang mga terrorist group na ilipat sa Timog-Silangang Asya ang redikalismo at Extremismo.