Humupa na ang bakbakan sa main battle area ng Marawi City, Lanao del Sur, isang araw makaraang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalayaan ng lungsod sa kamay ng ISIS-Maute.
Indikasyon ito na tuluyan ng napilayan ang teroristang grupo matapos ang pagkakapatay sa kanilang leader na sina isnilon hapilon at omarkhayam maute.
Ayon kay Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Group Ranao, nasa 18 bandido na lamang ang nasa loob ng battle area.
Nauubusan na rin anya ng bala ang mga kalaban na patuloy ang pagtakbo at pagtatago sa mga nalalabing gusali sa lungsod.
Samantala, nasa 1,064 na ang nasawi sa halos limang buwang sagupaan at pinaka-marami ang nalagas sa panig ng Maute-ISIS na 854 habang 163 sa panig ng militar at 47 sa mga sibilyan.