Aprubado na ng House Committee on Appropriations sa pamumuno ni Davao City Representative Karlo Nograles ang probisyon sa pondo para sa panukalang right to adequate food framework act o “Zero Hunger Bill.
Ang naturang panukala ay may layong gumawa ng komprehensibong hakbang para tugunan ang kagutuman upang tiyakin na wala ng Pinoy ang makakaranas nito.
Target nito na sa loob ng 10 taon ay wala ng maitatalang nagugutom na pinoy dahil bawat taon ay 25 porsyento ang dapat ibaba ng nagugutom.
Batay sa Social Weather Station o SWS, mayroong 11 .9 percent ng mga pamilya nakakaranas ng kagutuman sa unang tatlong buwan ng 2017.
Ang pagpapatupad nito ay sa ilalim ng itatayong Commission on the Right to Adequate Food.