Pumalag ang Malakcañang sa mga kritiko na nagsabing hilaw pa ang idineklarang liberation ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, maituturing aniyang strategic message ang naging deklarasyon ng punong ehekutibo sa kabila ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng AFP at ng mga nalalabing terorista ruon.
Batid naman aniya ng pamahalaan na may mga natitira pang galamay ang mga terorista sa lungsod ngunit ito aniya’y natutugunan na ng mga awtoridad sa ginagawa nilang clearing at mopping up operations.
Magugunitang inihayag ng militar na hindi pa nila pinababalik ang mga apektadong residente ng Marawi dahil kailangan pa nilang matiyak na ligtas na ang lungsod kahit napatay na nila ang dalawang lider teroristang sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.