Isinailalim na sa State of Calamity ang Zamboanga City makaraang malubog sa baha ang 17 barangay bunsod ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Paolo.
Ayon kay Zamboanga City Vice Mayor Cesar Iturralde, nasa tatlong libong pamilya na ang apektado ng kalamidad at nagsilikas mula sa kanilang bahay.
Umabot na anya sa 12 Milyong Piso ang pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastruktura habang mahigit 150 bahay ang nasira.
Bukod sa naturang lungsod, apektado rin ng bagyo ang Cotabato City, ilang bahagi ng Maguindanao at Sultan Kudarat.