Naglaan na ang Department of Trade and Industry ng 942.5 Million Pesos na halaga ng livelihood assistance para sa mga apektado ng bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, tinatayang 17,600 internally displaced persons o I.D.P. ang makikinabang sa livelihood assistance.
Ang 151.5 Million Pesos na bahagi ng tulong ay pinondohan ng D.T.I. at kabilang dito ang mga mobile rice mill, mini-trucks para sa delivery hauling at sewing machines.
Binigyan din ng ahensya ang mga I.D.P. na nais bumalik sa pagnenegosyo ng mga kagamitan para sa woodcraft, food processing at agro-industrial business.