Nasa bansa ngayon ang 3 barkong pandigma ng Russia.
Ito’y para sa 6 na araw na goodwill visit mula ngayong araw hanggang Huwebes.
Ayon sa Philippine Navy, dumaong sa Pier 15 South Harbor sa Maynila ang 2 dambuhalang Russian anti-submarine ships na may mga pangalang Admiral Panteleyev, at Admiral Vinogradov, at ang isang dambuhala ring sea tanker na kung tawagin ay Boris Butoma.
Bukod sa goodwill visit magbibigay din ang Russian Navy ng mga donasyong military equipment na binubuo ng 5,000 unit na Kalashnikov rifle at 20 army truck sa October 25.
Kasabay ng pagdaong sa Maynila ng Russian Navy ships ay ang pagbisita rin sa Pilipinas ni Russian Defense Minister Sergey Shoygu para lumahok sa 4th ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus.
—-