Isinailalim sa red alert ang buong Luzon Grid dahil sa shutdown ng ilang planta ng kuryente sa rehiyon.
11:00 kaninang umaga, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, epektibo ang red alert.
Kasunod na din ito ng kakulangan sa reserbang power supply habang mataas naman ang consumer demand.
Naitala ang available capacity sa Luzon Grid sa 9,083 megawatts habang ang peak demand ay nasa 9, 051 megawatts.
Kabilang sa mga plantang nag shutdown ay Calaca 2, GN Power 2, masinloc 1, Sual 2 at Pagbilao 1.
Samantala, dakong 3:00 ng hapon ibinaba na sa yellow alert ang suplay ng kuryente na tatagal hanggang mamayang 8:00 ng gabi.
Naitala ang available capacity sa Luzon Grid sa 9,549 megawatts habang ang peak demand ay nasa 8,676 megawatts.