Nanawagan si Vice President Leni Robredo na isantabi muna ang pulitika bagkus ay magtulungan para muling ibangon ang Marawi City.
Ito ang inihayag ng Pangalawang Pangulo sa kaniyang pagbisita sa Bacolod City, kung saan nagpahayag ito ng kaniyang paghanga at pagsaludo sa mga sundalo na nag-alay ng buhay para sa pagpapalaya sa lungsod.
Tiwala si Robredo na hindi magiging madali ang ganap na pagbangon ng Marawi sa matinding pinsalang tinamo nito sa halos limang buwang bakbakan.
Gayunman, makabubuti din ayon sa Bise Presidente na unahin muna ng gobyerno ang reconstruction at ang agarang kabuhayan para sa mga residenteng apektado ng sigalot.