Nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.
Inihayag ito ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa pagpapasinaya ng ika-pitong domestic hub ng cebu Pacific sa Laguindingan Airport sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa Pangulo, maliban sa droga, malaking problema rin aniya ngayong kinahaharap ng bansa ang terorismo partikular na ang ISIS kaya’t kinakailangan niyang kausapin muli ang mga rebelde.
Nang hingan naman ng reaksyon sina Presidential Peace Adviser Jess Dureza ngunit ang tanging sagot lamang dito ni Dureza ay sinabi na ng Pangulo kung ano ang dapat niyang sabihin.