Matagumpay na naitabla ng Meralco Bolts sa 2-2 ang serye ng best of seven finals ng PBA Governor’s Cup.
Ito ay matapos pataubin ng Bolts sa gitgitang laban ang Gin Kings sa iskor na 85-83.
Bigo ang Ginebra na madala sa overtime ang fourth quarter matapos na maubusan ng shot clock si Justine Brownlee sa nalalabing 17 minuto ng laro.
Muling bumida sa laro ang import ng Meralco na si Allan Durham na kumamada ng 28 puntos at 18 rebounds.
Samantala, nasungkit naman ni San Miguel Beermen player Junemar Fajardo ang ika-apat nitong MVP award kahapon.
Dahil dito, kahilera na ni Fajardo sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio na nakakuha ng apat na MVP award.
—-