Kakasuhan din ng Manila Police District o MPD ang anim na miyembro ng isang sorority na konektado sa Aegis Juris Fraternity na siyang idinadawit sa pagkamatay ng hazing victim na si University of Santo Tomas o UST Law student Horacio “Atio” Castillo III.
Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, ang mga hindi pinangalanang kasapi ng Regina Legis Et Juris Sorority ay kasama sa inisyal na listahan ng mga suspek na nakatakda nilang kasuhan sa Department of Justice o DOJ.
Una nang sinampahan ng kasong murder, robbery, obstruction of justice, perjury at paglabag sa anti-hazing law ang 19 na respondents, kabilang ang primary suspect na si John Paul Solano at iba pang Aegis Juris frat men.
—-