Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections o COMELEC ang hybrid system na iminungkahi para sa 2016 elections.
Sa ilalim ng hybrid system, mano-mano ang gagawing pagbibilang ng boto sa eleksyon at computerized ang canvassing.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bagamat posibleng hindi naman lumalabag sa automation law ang hybrid system, marami silang natuklasang problema nang magsagawa sila ng aktual na demonstrasyon.
Aarkila na lang
Posibleng umupa na lamang ng mahigit sa 70,000 makina para sa eleksyon ang COMELEC o Commission on Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ito na lamang ang nakikita nilang pinakamabilis na paraan upang matiyak na hindi sila magagahol sa paghahanda sa eleksyon.
Ipinaliwanag ni Bautista na batay sa inihanda nilang timeline, kailangang nasa kamay na ng COMELEC ang mga makinang gagamitin sa eleksyon pagdating ng Enero ng susunod na taon.
May kalabuan na aniyang magamit ang 82,000 PCOS machines ng COMELEC dahil hanggang 10,000 lamang ang kayang i-commit ng Smartmatic na maisasailalim nila sa repair hanggang sa Enero.
“Mag-arkila ng mga bago at magpa-refurbish din ng iba pero again tinitignan natin ‘yung feasibility nun eh, in fact ang amin pong tinitignan kung hindi magamit itong 2016, sabi naman sa amin puwede pa naman gamitin ‘yan sa 2019, kaya lang nga ang problema kasi sa ating naging bidding ay masyadong maikli ang panahon.” Ani Bautista.
By Len Aguirre | Karambola