Pinawi ng embahada ng China sa Pilipinas na gagamitin sa military activities ang mga ipinatayong gusali sa mga tinabunang bahura sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, para lamang sa search and rescue at freedom of navigation ang ginawang reclamation at mga itinayong istruktura sa mga pinag-aagawang bahura.
Gayunman, sinabi ni Zhao na seryoso ang China sa kanilang binitiwang salita na itinigil na ang ginagawa nilang reclamation activities sa nasabing teritoryo.
Ngunit, kinumpirma ng Chinese Ambassador na may itinayong defense facilities sa West Philippine Sea ngunit, maliliit lamang aniya ito.
By Jaymark Dagala