Ikinakasa na ng South Korea ang paggawa ng anito’y monster missile na bubura sa military at political installations ng North Korea.
Kasunod ito nang pag-alis ng Amerika sa restrictions sa missile payloads ng mga bansang kaalyado nila.
Ayon sa South Korean Army, nakalatag na ang plano nila para sa tinatawag na Frankenmissiles na kumbinasyon ng surface to surface missiles at Hyunmoo class intermediate range missiles.
Gagamitin anila nila ang nasabing missiles sa unang salvo ng atake sakaling lalo pang lumala ang tensyon sa Korean Peninsula.