Inihayag ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na may natanggap silang impormasyon na may mga naglulutangang bagong drug lords sa New Bilibid Prison.
Pahayag ni PDEA Director Aaron Aquino, sa intel report na nakarating sa kanya mismong mga kilalang drug lords na sina Herbert Colangco, Jaybee Sebastian, Peter Co at iba pa ang nagsasanay sa mga bagong pangalan.
Pahayag ni Aquino, dahil dito, pursigido sila na magtayo ng tanggapan sa loob ng NBP upang bantayan ang galaw ng mga drug lord at mapigilang maipasa sa iba ang kanilang ilegal na gawain.
Siniguro ng PDEA na masisibak at makakasuhan ang mga itatalagang agent na magpapasilaw sa suhol ng mga drug lords.