Arestado ang higit 130 indibiduwal na hinihinalang sangkot sa pagpatay sa pitong tao na napagkamalang bampira sa Malawi, Africa.
Ayon sa tagapagsalita ng pambansang pulisya na si Ramsy Mushani, nagkasunod sunod ang pag-atake ng isang grupo na huma-hunting sa mga bampira sa katimugang bahagi ng Africa.
Dahil sa naturang sitwasyon, maging ang mga manggagawa ng United Nations na nakatutok sa food aid at agricultural programme ay tinanggal na sa lugar para sa kanilang kaligtasan.
—-