Makakakuha ng dagdag na 120 million ang mga SUC o State Universities and Colleges sa panukalang 3.7 trillion national budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Senator Sonny Angara, Vice-Chairman ng Senate Finance Committee, ang across the board na dagdag 10 milyong piso bawat SUC ay para matugunan ang libreng tuition fee.
Bukod dito, sinabi ni Angara na sapat rin ang naturang dagdag pondo para infrastructure project at equipment upgrade ng mga paaralan para sa de kalidad na edukasyon.
Siniguro naman ni Senator Loren Legarda, Chairman ng Senate Finance Committee na may sapat na pondo sa 2018 budget para sa dagdag na training at seminar ng mga guro.
Gayundin ang mas mataas na chalk allowance na aabot sa 3,500 para tugunan ang mga teaching supplies ng mga guro.
—-