Pinaalalahanan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na mag- ingat at maging mapagmasid dahil nasa paligid lamang aniya ang terorismo lalo na’t halos matatapos na ang kaguluhan sa Marawi City.
Sa kaniyang talumpati sa 38th Masskara Festival sa Bacolod City, nilinaw ng Pangulo na hindi niya layuning takutin ang mga tao sa kaniyang paalala kundi ay upang maghanda ang mga ito sa anumang posibleng mangyari.
Maliban dito, nanawagan rin si Pangulong Duterte sa sambayanan na magtulungan para labanan ang terorismo at upang hindi na maulit ang nangyaring paglusob sa Marawi City.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, hindi ligtas ang lahat ng bansa sa mundo sa problema ng terorismo gaya ng dala ng grupong ISIS.
—-