Kinuwestyon ng Kabataan Partylist ang sinceridad ng Pangulong Rodrigo Duterte sa balak na pagbuhay sa negosasyon sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP – NPA–NDF.
Ito ayon sa Kabataan Partylist ay dahil sa pag-flip flop o pagbabago-bago ng desisyon ng Pangulo sa nasabing usapin.
Malinaw anilang nakadepende sa mood ng Pangulo ang paninindigan nito sa usapin matapos ideklara noon na gastos lamang ang peace talks kasunod ang pangakong buburahin ang New People’s Army bago matapos ang taong 2018.
Sinabi ng Kabataan Partylist na ang nasabing pahayag ng Pangulo ay indikasyon ng kawalan nito ng sinseridad at mababaw lamang ang pagtingin sa peace talks.