Hindi na matutuloy ang nakaambang impeachment trial laban kay COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ito’y makaraang ihayag ni Bautista na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang resignation na epektibo sa lalong madaling panahon.
Pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing liham na nagsasabing nagmula mismo kay Pangulong Duterte nagmula ang direktiba.
Pormal namang nilisan na ni Bautista ang kaniyang tanggapan at nagpaalam na rin ito sa ilang mga kawani pagkatapos ng office hours.
Ayon kay Bautista magkahalong emosyon ang kaniyang naramdaman sa kaniyang tuluyang pagbaba sa puwesto.
—-