Pinag-aaralan pa rin ng task force Bangon Marawi ang pagpapatupad ng ID o Identification System para sa mga residente ng lungsod.
Ayon kay Task Force Spokesman Asst/Sec. Kristoffer James Purisima, malaki aniya ang maitutulong ng I.D. System para matiyak na lehitimong residente lamang ng Marawi ang maaabutan ng tulong ng pamahalaan.
Posible aniya kasing gamitin ng ilang mapagsamantala ang sitwasyon para maka-abot ng tulong gayung hindi naman talaga sila labis na naapektuhan ng bakbakan.
Kasunod nito, tiniyak ni Purisima ang tuloy-tuloy na pagtulong ng pamahalaan sa mga bakwit hanggang sa kanilang muling pagbangon kahit walang ID system at kahit bawiin na ang idineklarang martial law sa Mindanao.