Tiniyak ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa na bibigyan niya ng insentibo ang mga SAF o Special Action Force Commandos na nakipagbakbakan sa Marawi City.
Ayon sa PNP Chief, ililibre niya ng Bulalo sa Tagaytay ang mga pulis sakaling hindi sila makasasama sa ipinangakong bakasyon sa Hongkong ni Pangulog Rodrigo Duterte para sa mga sundalo.
Binigyang diin ng PNP Chief na bagama’t hindi masydong nabibigyang pansin ang mga naging ambag ng PNP sa Marawi Siege, kaniya namang ibabahagi sa mga ground commander ng militar ang mahuhusay na pulis na kanilang ipinadala ruon.
Kasunod nito, pinasaringan ni Dela Rosa ang mga senior officers na kumokontra sa naka-umang na promotion kay ARMM Police Director for Operations S/Supt. Rolando Andyan.
Si Andyuan ang nanguna sa puwersa ng pulisya na humarap at nakipagbakbakan laban sa mga terorista sa Marawi City.