Panahon na para magkaisa at magtulungan para muling ibangon ang mga kapwa Pilipino na apektadong limang buwang bakbakan sa Marawi City.
Ito’y ayon kay Senador Bam Aquino makaraang pormal nang ideklara ni martial law administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagtatapos ng sigalot sa nasabing lungsod.
Kasunod nito, nagpasalamat din si Aquino sa mga nagpa-abot ng tulong sa mga nagsilikas na residente upang panatilihin ang kanilang kabuhayan sa panahon ng paglikas.
Samantala, hinihintay na lamang ng Senate Oversight Committee ang kumprehensibong report hinggil sa post conflict assessment para makapaglatag ng short, medium at long term plan para sa rehabilitasyon.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, Chairman ng Komite, layon nitong malaman kung magkano ang guguguling pondo, kung gaano katagal at gaano karaming man power ang kakailanganin sa panahon ng rehabilitation at reconstruction.
Layon nito aniyang maiwasan na maulit ang mga maling nagawa ng pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng rehabilitasyon nuong manalasa ang super bagyong Yolanda nuong 2013.