Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte na wala siyang balak na tumakbong senador sa 2019 midterm elections.
Sinabi ng alkalde na ang target nya ay tumakbong kongresista ng unang distrito ng Davao City kapalit ni Representative Karlo Alexei Nograles.
Kung sakali man aniyang tatakbo siya sa national posisyon ay hindi niya ito iaanunsyo ng ganito kaaga ngunit sa ngayon ay hindi pa ito posible.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Inday Sara ang napipisil niyang pumalit sa kanya sa puwesto sa 2022.
—-