All set na ang ikinasang Oplan Kaluluwa ng Philippine National Police o PNP para sa araw ng mga patay.
Sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na sakop ng Oplan Kaluluwa ang seguridad sa lahat ng mga sementeryo at mga matataong lugar sa bansa.
Ayon pa kay Dela Rosa, parehong security template ang gagamiitin ng PNP para sa taunang paggunita ng undas.
Kaugnay nito, umapela si Dela Rosa sa publiko lalo na sa mga uuwi ng probinsya na huwag iwanang walang tao ang kanilang mga bahay para hindi maakyat bahay.