Aalisin na ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang ban na ipinatupad ni dating Secretary Gina Lopez sa open- pit mining.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu , mayorya ng MICC o Mining Industry Coordination Council ang bumoto para baliktarin at baguhin ang polisiyang ito o ang Administrative Order 2017 – 10.
Aniya, nakatakdang magpalabas ng panibagong administrative order ang DENR para sa muling pagbubukas ng mga open – pit mining.
Tiniyak din ni Cimatu na mahigpit na maipatutupad ang mga batas, patakaran at regulasyon kaugnay ng pagmimina.
Isusumite aniya nila ang resolusyon ng MICC sa gabinete sa November 6, at inaasahang maiaalis na ang nasabing ban bago matapos ang taon.