Aabot sa 2.3 Million Pesos na halaga ang inilabas na ayuda ng ECC o Employees Compensation Commission para sa mga sundalo na nasugatan o nasawi sa pakikipagbakbakan sa Marawi.
Ayon kay ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis ang kabuang halaga na P. 2,392,476.62 na kanilang na-disburse na benepisyo mula sa GSIS o Government Service Insurance System ay kapareho sa tulong na naibigay sa mga sundalo hanggang September 2017.
Inilaan ng ECC ang nasa mahigit 1.7 Milyong Piso sa disability benefits, habang sa death benefits naman ay halagang 640,000 Pesos.
Una ng naglabas ang ECC ng board resolution para sa pagproseso ng mga compensation benefits ng mga pulis at sundalo na nasugatan o nasawi sa pakikipagbakbakan.