Pinanindigan ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ang alegasyon na nadaya siya noong 2016 elections.
Ayon kay Tolentino, nagkamali si Senador Leila de Lima sa kanyang mosyon na i-contempt siya ng korte dahil sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa kanyang electoral protest na nakahain na sa Senate Electoral Tribunal o SET.
Diretsang sinabi ni Tolentino na kitang-kita nila ang ebidensya na nagkaroon ng dayaan noong eleksyon dahil pawang mga balota noong 2013 ang laman ng ballot box ng Calbayog City na binuksan ng SET.
Si Tolentino ang pang-labing tatlo sa senatorial race noong 2016 at hinahabol niya ang puwesto ni Senador De Lima na siyang pang-labing dalawa.
“Ang sabi ko po factually, actually at verifiable po ito, ang sabi ko nung pumasok po ako doon ay binubuksan yung box ng Calbayog at nung buksan ang laman ay 2013 ballots, yung po ang sinabi ko, ano po ang contempt doon? Diba po news worthy naman ito? Sino ba talaga ang number 12, karapatan ng mamamayan na bumoto kung sino talaga ang number 12 at naging bahagi rin po ito ng impeachment proceedings kung bakit na-impeach si Chairman Bautista.” Ani Tolentino
Ayon kay Tolentino, ang mosyon para i-contempt siya ang ikalawa nang mosyon na inihain ni De Lima laban sa kanya sa loob lamang ng apat na araw.
Sa nauna aniyang mosyon ni De Lima ay iginiit nito na hindi dapat matuloy ang electoral protest dahil tinanggap na nya ang posisyon bilang Presidential Adviser on Political Affairs.
“Ang prayer ko po doon na maalis si De Lima, ma-null and void yung kanyang proklamasyon at ako ang pumalit, ngayon lang po lumagpas ng 40,000 ginawa pang 1 million, pero yung number 12 and 11 dikit po yan, 11 and 10 dikit din yan, so historically, statistically improbable po ang lahat ng nangyari, yun po ang bahagi ng protesta ko.” Pahayag ni Tolentino
(Ratsada Balita Interview)