Tapos na ang paglalaro ni Marcus Douthit para sa Gilas Pilipinas.
Kinumpirma ito ni SMB o Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Sonny Barrios matapos lumutang ang report na tinitingnan si Moala Tautuaa bilang back-up kay Andray Blatche.
Nakatakda nang matapos ang kontrata ni Douthit sa Gilas sa susunod na buwan.
Si Douthit ay nagsimulang maglaro para sa Gilas Pilipinas noong 2010 at naging naturalized Filipino noong 2011.
Nakatulong din si Douthit para manalo ang bansa ng Gold medals sa nakalipas na dalawang Southeast Asian Games at nanguna sa team na nanalo ng gold sa 2012 Jones Cup.
Si Douthit ay dalawang beses ding naging kinatawan sa FIBA Asia Championship kung saan nakuha ng bansa ang silver medal noong 2013 na naging daan para makapaglaro sa FIBA Basketball World Cup noong isang taon.
By Judith Larino